submit urlsubmit rss feedadd directory

article

Ang kalusugan ay maaaring maging negatibo ang kahulugan, bilang ang pagkawala ng sakit, gumagana bilang ang kakayahan na malabanan ang araw-araw na gawain, o sa positibong kahulugan, bilang maging husto at magaling (Blaxter 1990). Sa kahit anong organismo, isang anyo ng hemeostasis ang kalusugan. Ito ang kalagayan ng pagiging matimbang, kasama ang mga pinapasok at nilalabas na mga enerhiya at matter (pinapahintulot ang paglago). Pinapahiwatig ng kalusugan ang magandang pagasa para sa patuloy na pagiging buhay. Sa mga nilalang na may kamalayan katulad ng mga tao, malawak ang kaisipan ng kalusugan. Binibigyan ng kahulugan ng World Health Organization ang kalusugan bilang "isang kalagayan ng buong pangkatawan, pangkaisipan at panlipunang kagalingan, at hindi lamang binubuo ng pagkawala ng sakit o kahinaan."

Ang kalusugang pangkapaligiran, nutrisyon, pagiwas sa sakit, at kalusugan ng publiko ang pinakamatibay na aspeto ng pagiging magaling na matibay na naangkop sa larangan ng medisina. Maaaring siyasatin at tulungan ng mga aspetong ito ang pagsukat sa pagiging masaya at magaling.

Sa ibang lipunan, sangkot sa kalusugan ang pangangalaga ng kalagayan ng katawan pagkatapos makamit ang mas pangunahing mga pangangailangan ng pagkain, tirahan at pangununahing alagang medikal. Nilalapat ang karamihan sa mga kasanayang ito upang mapagpatuloy ang kagalingan, sa katotohanan, nilalayon ang pagpigil sa mga naibubunga ng pagiging may kaya, katulad ng pagiging mataba at ang kakulangan ng ehersisyo.

More on [ Kalusugan ]


directory of related categories

 
directory of related sites

Ang Bato at Sakit sa Bato - Pagpapaliwanag sa pinagmulan, mga sintomas, impormasyon at mga pamamaraan sa pag-iwas sa sakit at pagpapagaling.

California Poison Control System - Listahan ng mga pansamandaliang lunas sa pagkalason.

Paghahanda sa Isang Sakuna o Sakit - Alamin ang mga hakbang at paghahanda laban sa anumang sakuna, sakit o kalamidad. Ito ay batay sa pag-uulat ng Red Cross at iba pang mga organisasyon. Basahin sa porma ng PDF.

Kalusugan related videos

 

HOMEADVERTISINGABOUT US

articlesartsbusinesscomputersgameshealthhospitalshomekids & teensnewsmobilephysiciansrecreationreferenceregionalscienceshoppingsocietysportsworld


Submit a Site About Become an Editor